Romans 2:3
Ngunit isipin mo ito, ikaw tao, ikaw na humahatol sa mga gumagawa ng mga bagay na ganoon, kahit na ginagawa mo rin ang ganoong mga bagay. Makatatakas ka ba sa hatol ng Diyos?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 10:3Pero ang sinabi ng mga pinuno ng lahi ng Ammon kay Hanun na kanilang amo, “Sa palagay mo ba talagang ginagalang ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga tauhan para makiramay sa iyo? Hindi ba ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod sa iyo para tingnan ang lungsod, para magmanman at para pabagsakin ito?”
Psalms 50:21Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
Proverbs 11:21Maging tiyak dito—ang mga taong masama ay hindi maaaring hindi maparusahan, pero ang mga kaapu-apuhan ng mga gumagawa ng tama ay mananatiling ligtas.
Ezekiel 17:15Ngunit ang hari ng Jerusalem ay naghimagsik laban sa kaniya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga kinatawan sa Egipto upang kumuha ng mga kabayo at ng hukbo. Siya ba ay magtatagumpay? Makatatakas ba ang taong gumagawa ng mga bagay na ito? Kung lalabagin niya ang kasunduan, makatatakas ba siya?
Daniel 10:19Sabi niya, “Lalaki na lubos na iniibig, huwag kang matakot. Sumaiyo ang kapayapaan. Magpakatatag ka ngayon; magpakatatag ka! “Nang magsalita siya sa sa akin, napalakas ako at sinabi ko, “Hayaan mong magsalita ang aking panginoon, sapagkat pinalakas mo ako.”
Matthew 26:53Iniisip ba ninyo na hindi ko kayang tumawag sa aking Ama, at padadalhan niya ako ng higit pa sa labindalawang pulutong ng mga anghel?