Romans 5:10
Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway, ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa ngayon na pagkatapos tayong ipinagkasundo, maililigtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 29:24Pinatay ng mga pari ang mga ito, at ginawa nila ang handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga ito sa altar, upang maging kabayaran sa mga kasalanan para sa buong Israel sapagkat iniutos ng hari na ang alay na susunugin at handog para sa kasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.
Daniel 9:24Pito na tig-pipitumpong taon ang iniatas para sa iyong mga tao at sa iyong banal na lungsod upang wakasan ang pagkakasala at wakasan ang kasalanan, upang pagbayaran ang kasamaan, upang dalhin ang walang hanggang katuwiran, upang tuparin ang pangitain at propesiya at upang gawing banal ang dakong kabanal-banalan.
John 6:40Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.
John 10:28Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay.
John 14:19Sa sandaling panahon, hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita ninyo ako. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo.
Romans 8:7Ito ay dahil sumasalungat sa Diyos ang kaisipan ng laman, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi ito maaaring maging sakop.