Romans 6:19
Nagsasalita ako tulad ng isang tao dahil sa kahinaan ng inyong laman. Sapagkat gaya ng paghahandog ninyo ng mga bahagi ng inyong katawan bilang mga alipin sa karumihan at kasamaan, ngayon, sa ganoon ding paraan, ihandog ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan bilang alipin sa katuwiran para sa ikababanal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Pinalaya kayo sa kasalanan, at ginawa kayong mga alipin kayo ng katuwiran.
20Sapagkat noong kayo ay mga alipin ng kasalanan, malaya kayo sa katuwiran.
Cross References
Romans 3:5Ngunit kung ang ating pagiging hindi matuwid ang nagpapakita ng katuwiran ng Diyos, ano ang sasabihin natin? Matuwid ba ang Diyos kapag pinahihirapan tayo dahil sa poot, matuwid ba siya? Nagsasalita ako ayon sa pangangatwiran ng tao.
Romans 6:16Hindi ba ninyo alam na ang pinaghandugan ninyo ng inyong mga sarili bilang mga alipin ay siyang inyong pinaglilingkuran, ang siyang dapat ninyong sundin? Totoo ito, mga alipin man kayo sa kasalanan na patungo sa kamatayan, o mga alipin sa pagsunod na patungo sa katuwiran.
Romans 15:1Ngayon tayong mga malalakas ang nararapat na pumasan sa mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi natin dapat bigyang-lugod ang ating mga sarili.
1 Corinthians 6:11At ganyan ang ilan sa inyo. Ngunit nilinis na kayo, at inihandog na kayo sa Diyos, at kayo ay ginawa nang matuwid sa Diyos sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
1 Corinthians 15:32Ano ang aking pakinabang, mula sa isang makataong pananaw, kung ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis sa Efeso, kung ang mga patay ba ay hindi na bubuhayin? “Kumain na lang tayo at uminom sapagkat kinabukasan tayo ay mamamatay.”
Ephesians 2:2Sa ganito rin kayo minsang lumakad ayon sa panahon ng mundong ito. Lumalakad kayo ayon sa kapangyarihan ng namumuno sa hangin. Ito ang kaniyang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway.