Ruth 2:14
Nang oras na ng kainan sinabi ni Boaz kay Ruth, “Pumarito ka, at kumain ng kaunting tinapay, at isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak.” Umupo siya sa gilid ng mga mang-aani, at inalok niya siya ng kaunting inihaw na butil. Kumain siya hanggang sa mabusog siya at iniwan ang natira nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:10Makakakain kayo at mabubusog, at pagpapalain ninyo si Yahweh na inyong Diyos dahil sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.
Ruth 2:18Binuhat niya ito at nagtungo ng lungsod. Pagkatapos nakita ng kaniyang biyenan ang kaniyang napulot. Dinala din ni Ruth ang inihaw na butil na natira mula sa kaniyang pagkain at ibinigay ito sa kaniya.
1 Samuel 25:18Pagkatapos nagmadali si Abigail at kumuha ng dalawang daang tinapay, dalawang boteng alak, limang tupang nakahanda na, limang sukob ng sinangag na butil, isang daang tungkos ng pasas, at dalawang daang mamon ng igos at ikinarga ang mga ito sa mga asno.
2 Kings 4:43Sinabi ng kaniyang alipin, “Ano, dapat ko ba itong ihain sa harapan ng isang-daang lalaki?” Pero sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo ito sa mga tao, para makakain sila, dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Kakain sila at magkakaroon pa ng tira.'”
Psalms 23:5Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw.
Isaiah 32:8Pero ang taong marangal ay gumagawa ng mga marangal na plano; at dahil sa kaniyang mga marangal na kilos siya ay mananatili.