Ruth 3:13
Manatili ka rito ngayong gabi, at sa umaga, kung gagampanan niya para sa iyo ang tungkulin ng isang kamag-anak, mabuti, hayaang gawin niya ang tungkulin ng isang kamag-anak. Pero kung hindi niya gagawin ang tungkulin ng isang kamag-anak para sa iyo, pagkatapos ako ang gagawa nito, sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh. Mahiga ka hanggang sa umaga.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 25:5Kung ang magkapatid na lalaki ay magkasamang namumuhay at namatay ang isa sa kanila, na hindi nagkaroon ng anak, sa gayon ang asawa ng namatay na lalaki ay hindi dapat ipakasal sa ibang tao sa labas ng pamilya. Sa halip, ang kapatid ng kaniyang asawa ay dapat siyang sipingan at kunin siya sa kaniyang sarili bilang kaniyang asawa, at gawin ang tungkulin ng kaniyang kapatid bilang asawa niya.
Ruth 2:20Sinabi ni Naomi sa kaniyang manugang,” Pagpalain nawa siya ni Yahweh, na hindi itinigil ang kaniyang katapatan sa buhay at sa mga patay.” Sinabi ni Naomi sa kaniya,” Ang lalaking iyon ay malapit na kamag-anak natin; isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin.”
Ruth 4:6Pagkatapos sinabi ng malapit na kamag-anak, “Hindi ko ito matutubos para sa aking sarili nang hindi masisira ang aking sariling pamana. Kunin mo ang aking karapatan ng pagtubos para sa iyong sarili, dahil hindi ko ito matutubos.”
Matthew 22:24na nagsasabi, “Guro, sinabi ni Moises na, 'Kung ang tao ay mamatay, na walang anak, kailangang pakasalan ng kapatid niya ang kaniyang asawa at magkaroon ng anak alang-alang sa kaniyang kapatid.'
Hebrews 6:16Sapagkat ang mga tao ay nanunumpa sa mas mataas sa kanilang mga sarili, at sa bawat pagtatalo nila, ang sinumpaan ang siyang pangwakas bilang pagpapatunay.