Ruth 4:11
Sinabi ng lahat ng mga tao na nasa tarangkahan at mga nakatatanda, “Kami ang mga saksi. Gawin nawa ni Yahweh ang babae na pumasok sa iyong bahay tulad nina Raquel at Lea, ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel. Magtagumpay ka nawa sa Efrata at maging kilala sa Betlehem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 29:16Ngayon si Laban ay may dalawang anak na babae. Ang pangalan ng nakatatanda ay Lea at ang pangalan ng nakababatang kapatid ay Raquel.
Genesis 35:16Naglakbay pa sila mula sa Betel. Habang may kalayuan pa sila mula Eprath, nakaramdam na si Raquel ng panganganak.
Genesis 35:23Ang kanyang mga anak na lalaki kay Lea ay sina Reuben, panganay ni Jacob, at si Simeon, Levi, Juda, Isacar, at Zebulun.
Genesis 46:8Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob;
Deuteronomy 25:7Pero kung ang lalaki ay hindi nais kunin ang asawa ng kaniyang kapatid para sa kaniyang sarili, kung gayon ang asawa ng kapatid ay dapat umakyat sa tarangkahan sa mga nakatatanda at sabihin, 'Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging tumayo para sa pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang gampanan ang tungkulin ng isang kapatid ng asawa para sa akin.'
Ruth 1:2Elimelek ang pangalan ng lalaki at Naomi ang pangalan ng kaniyang asawa. Ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na lalaki ay sina Mahlon at Quelion, na mga Efrateo na taga-Bethlehem-Juda. Nakarating sila sa bansa ng Moab at nanirahan doon.