Awit ni Solomon 5:15
Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 26:19At gagawa ka ng apat na pung tungtungang pilak upang ilagay sa ilalim ng dalawang pung tabla, dalawang tungtungan sa bawa't tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa, at dalawang tungtungan sa ilalim ng ibang tabla na ukol sa kaniyang dalawang mitsa:
1 Kings 4:33At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.
Psalms 92:13Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
Song of Solomon 4:11Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo na gaya ng pulot-pukyutan: pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila; at ang amoy ng iyong mga suot ay gaya ng amoy ng Libano.
Lamentations 4:7Ang kaniyang mga mahal na tao ay lalong malinis kay sa nieve, mga lalong maputi kay sa gatas; sila'y lalong mapula sa katawan kay sa mga rubi, ang kanilang kinis ay parang zafiro.
Zechariah 9:17Sapagka't pagkalaki ng kaniyang kabutihan, at pagkalaki ng kaniyang kagandahan! pagiginhawahin ng trigo ang mga binata, at ng bagong alak ang mga dalaga;