Awit ni Solomon 8:5
Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 32:8Sumasakaniya ay isang kamay na laman; nguni't sumasaatin ay ang Panginoon nating Dios upang tulungan tayo, at ipakipaglaban ang ating mga pagbabaka, At ang bayan ay sumandal sa mga salita ni Ezechias na hari sa Juda.
Psalms 63:8Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan.
Psalms 107:2Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
Song of Solomon 3:4Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.
Song of Solomon 3:11Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.
Song of Solomon 6:10Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?