Zacarias 1:3
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Bumalik kayo sa akin!” Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. “At babalik ako sa inyo.” Sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2“Lubhang nagalit si Yahweh sa inyong mga ama!
Cross References
Deuteronomy 30:2at kapag bumalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa kaniyang boses, susundin ang lahat ng mga sinasabi ko sa inyo sa araw na ito— kayo at inyong mga anak— ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa,
2 Chronicles 15:2Umalis siya upang makipagkita kay Asa at sinabi sa kaniya, “Makinig ka sa akin Asa at ang lahat ng mga tao sa tribu nina Juda at Benjamin. Kasama ninyo si Yahweh habang kayo ay nasa kaniya. Kung siya ay inyong hahanapin, matatagpuan ninyo siya. Ngunit kung itatakwil ninyo siya, itatakwil rin niya kayo.
2 Chronicles 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Isaiah 31:6Bumalik kayo sa kaniya kayong malalim na tumalikod, bayan ng Israel.
Jeremiah 3:12Pumunta ka at ihayag ang mga salitang ito sa hilaga. Sabihin mo, 'Magbalik ka taksil na Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tapat ako, hindi ako mananatiling galit magpakailanman. Ito ang pahayag ni Yahweh
Jeremiah 4:1Ito ang pahayag ni Yahweh. “Kung babalik ka Israel, dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis mo ang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan at hindi na lilihis muli sa akin