Zechariah 10:2
Sapagkat nagsasabi ng kasinungalingan ang mga diyus-diyosang nasa sambahayan; nagsasabi ang mga manghuhula ng pangitaing kasinungalingan; nagsabi sila ng mga mapanlinlang na mga panaginip at nagbibigay ng aliw na walang kabuluhan. Kaya naliligaw sila na kagaya ng tupa at nagdurusa dahil walang pastol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 31:19Nang umalis si Laban para gupitan ang kanyang mga tupa, ninakaw naman ni Raquel ang diyos ng sambahayan ng kanyang ama.
Deuteronomy 13:2at kung darating ang tanda o ang himala, kung saan siya ay nagsalita sa inyo at sinabing, 'Sumunod tayo sa ibang mga diyus-diyosan, na hindi ninyo kilala, at sambahin natin sila,'
1 Kings 22:17Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
Job 21:34Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?”
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Isaiah 46:5Kanino ninyo ako itutulad? at kanino ninyo ako ipaparis, para kami ay ihambing?