Zacarias 11:16
Sapagkat tingnan mo, magtatalaga ako ng isang pastol sa lupain, hindi niya pangangalagaan ang mga napapahamak na tupa. Hindi niya hahanapin ang nawawalang tupa o gagamutin man ang mga pilay na tupa. Hindi niya pakakainin ang malusog na tupa, ngunit kakainin niya ang laman ng mga pinatabang tupa at tinatanggal ang kanilang mga kuko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 33:13Sinabi ni Jacob sa kanya, “Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay musmos pa lang, at ang mga tupa at mga baka ay nagpapasuso ng kanilang mga anak. Kung sila'y pipiliting maglakad ng mabilis kahit isang araw lang, ang lahat ng mga hayop ay mamamatay.”
Isaiah 40:11Papakainin niya ang kaniyang kawan tulad ng isang pastol, titipunin niya ang mga tupa sa kaniyang bisig, at dadalhin sila ng malapit sa kaniyang puso, at dahan-dahang pangungunahan ang mga babaing tupa na inaalagaan ang kanilang anak.
Jeremiah 23:22Sapagkat kung sila ay tumayo sa aking konsehong pagtitipon, ipaparinig nila sa aking mga tao ang aking salita; ito ang dahilan upang tumalikod sila sa kanilang mga masasamang salita at maruruming mga gawain.
Ezekiel 34:10Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.
Ezekiel 34:21sapagkat tinulak ninyo sila gamit ang inyong mga tagiliran at mga balikat, at sinuwag ninyo ang lahat ng mga mahihina gamit ang inyong mga sungay hanggang sa naikalat ninyo sila palayo mula sa lupain!
Matthew 23:2Sinabi niya, “Ang mga eskriba at mga Pariseo ay umuupo sa upuan ni Moises.