Zacarias 11:5
(Ang sinumang bumili at kumatay sa mga ito ay hindi maparurusahan, at sasabihin ng mga nagbenta sa mga ito 'Purihin si Yahweh! Ako ay naging mayaman! Sapagka't walang awa sa kanila ang mga pastol na nagtatrabaho para sa kawan ng may ari.)
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:19para kapag marinig ng taong iyon ang mga salita ng sumpang ito, hindi niya dapat basbasan ang kaniyang sarili sa kaniyang puso at sabihing, 'magkakaroon ako ng kapayapaan, kahit na maglalakad ako sa katigasan ng aking puso.' Sisirain nito ang basa kasama ang tuyo.
Nehemiah 5:8at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
Jeremiah 23:1“Aba sa inyong mga pastol na sumisira at nagsisingalat sa mga tupa ng aking pastulan—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ezekiel 22:25Mayroong sabwatan ang kaniyang mga propeta sa kaniyang kalagitnaan, tulad ng isang umaatungal na leon na nilalapa ang biktima; inuubos nila ang buhay at kinukuha ang mahahalagang yaman! Pinaparami nila ang mga balo sa kaniyang kalagitnaan!
Ezekiel 34:3Kinakain ninyo ang mga matatabang bahagi at nakadamit kayo ng lana! Kinatay ninyo ang mga pinatabang kawan! Hindi talaga kayo nagpapastol.
Ezekiel 34:10Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Masdan ninyo! Ako ay laban sa mga pastol, at kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang kamay. At paaalisin ko sila sa pagpapastol ng kawan; Ni maging ang mga pastol ay hindi na magpapastol sa kanilang sarili yamang kukunin ko ang aking kawan mula sa kanilang mga bibig, upang ang aking mga kawan ay hindi na magiging pagkain para sa kanila.