Zacarias 14:10
Magiging katulad ng Araba ang lahat ng lupain, mula Geba hanggang Rimmon sa timog ng Jerusalem. At patuloy na maitataas ang Jerusalem; mamumuhay siya sa kaniyang sariling lugar, mula sa Tarangkahan ng Benjamin hanggang sa dating kinaroroonan ng unang tarangkahan—na ngayon ay Tarangkahan sa Sulok, at mula sa tore ng Hananel hanggang sa mga pisaan ng ubas ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 15:32Lebaot, Silim, Ain, at Rimmon. Ang mga ito ay dalawamput-siyam na mga lungsod lahat, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Judges 20:45Bumalik sila at tumakas patungo sa ilang papunta sa bato ng Rimon. Pinatay ng mga Israelita ang karagdagang limang libo sa kanila sa gilid ng mga daan. Patuloy silang sumunod sa kanila, sinusundan sila ng malapitan hanggang Gidom, at doon pinatay nila ang karagdagang dalawang libo.
Judges 21:13Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan.
1 Chronicles 4:32Ang kanilang limang mga nayon ay ang Etam, Ain, Rimon, Toquen, at Asan,
2 Chronicles 25:23Binihag ni Joas na hari ng Israel si Amazias na hari ng Juda na anak ni Joas, na anak ni Ahazias, sa Beth-Semes. Siya ay dinala niya sa Jerusalem at giniba ang pader ng Jerusalem mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang sa Tarangkahan sa Sulok, apatnaraang kubit ang layo.
Nehemiah 3:1Pagkatapos tumayo si Eliasib ang punong pari kasama ng kaniyang mga kapatirang pari, at itinayo nila ang Tarangkahan ng Tupa. Pinagingbanal nila ito at naglagay ng mga pinto. Pinagingbanal nila ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.