Zacarias 14:12
Ito ang magiging salot na gagamitin ni Yahweh upang lusubin ang lahat ng tao na nakipagdigma laban sa Jerusalem, mabubulok ang kanilang laman kahit na nakatayo sila sa kanilang mga paa. Mabubulok ang kanilang mga mata sa mga ukit nito, at mabubulok ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:16—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
Leviticus 26:21Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:28ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Deuteronomy 28:59papatindihin pa ni Yahweh ang mga salot ninyo, at ng inyong mga kaapu-apuhan; magiging dakilang salot ang mga iyon ng mahabang panahon at matinding karamdaman ng mahabang panahon.
2 Chronicles 21:18Matapos ang lahat ng ito, binigyan siya ni Yahweh ng isang hindi malunasang karamdaman sa kaniyang bituka.
Psalms 110:5Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.