Zacarias 14:20
Ngunit sa araw na iyon, sasabihin ng mga kampanilya ng mga kabayo, “Naitalaga kay Yahweh,” at ang mga palanggana sa tahanan ng Diyos ay magiging tulad ng mangkok sa harap ng altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:29Dapat kayong gumawa ng mga pinggan, mga kutsara, mga pitsel, at mga mangkok para gamitin sa pagbuhos ng inuming mga handog. Dapat gawin ninyo sila ng purong ginto.
Exodus 28:36Dapat kang gumawa ng plato sa purong gintong at iukit dito, katulad ng nakaukit sa isang selyo, HANDOG KAY YAHWEH.
Exodus 39:30Ginawa nila ang plaka ng banal na korona na purong ginto; inukit nila ito, katulad ng pag-ukit sa isang selyo, INILAAN KAY YAHWEH.
Leviticus 8:9Inilapat niya ang turbante sa ibabaw ng kaniyang ulo, at sa ibabaw ng turbante, sa harapan, inilagay niya ang gintong plato, ang banal na korona, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
Numbers 4:14Dapat nilang ilagay ang lahat ng kasangkapan sa balangkas na binubuhat na ginagamit nila sa paggawa ng altar. Ang mga bagay na ito ay ang mga kawali, mga tinidor, mga pala, mga mangkok, at lahat ng ibang kasangkapan para sa altar. Dapat nilang takpan ang altar ng mga balat ng dugong at pagkatapos ay ilagay ang mga pasanan sa pagbubuhat.
Numbers 7:19Inialay niya bilang kaniyang handog ang isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.