Zacarias 14:8
At mangyayari din sa araw na iyon na ang umaagos na tubig ay dadaloy mula sa Jerusalem. Dadaloy ang kalahati ng tubig sa dagat sa silangan, at dadaloy ang kalahati sa dagat sa kanluran, tag-araw man o taglamig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 35:7Ang nasusunog na buhangin ay magiging isang lawa, at ang uhaw na lupa ay magiging mga bukal na tubig, sa tinitirahan ng mga asong-gubat, kung saan sila ay minsang humihiga, ay magiging damo na may mga tambo at mga talahib.
Isaiah 49:10Hindi sila magugutom o mauuhaw; maging ang init o ang araw ay hindi sila tatamaan, dahil siyang may awa sa kanila ay pangungunahan sila; gagabayan niya sila sa mga bukal ng tubig.
Ezekiel 47:1At dinala ako ng lalaki pabalik sa pasukan ng templo at masdan ninyo! Umaagos ang tubig mula sa ilalim ng bungad ng tahanan ng templo sa gawing silangan, sapagkat nakaharap sa silangan ang harapan ng templo at umaagos ang tubig sa gawing timog ng templo, sa may kanan ng altar.
Joel 3:18At mangyayari nga sa araw na iyon na papatak ang matamis na alak sa mga bundok, aapaw ang gatas sa mga burol, dadaloy ang tubig sa lahat ng mga batis ng Juda, at isang bukal ang manggagaling sa tahanan ni Yahweh at didiligan ang lambak ng Acacia.
John 4:10Sinagot siya ni Jesus, “Kung batid mo ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong nagsasabi sa iyong, 'Bigyan mo ako ng inumin,' ikaw sana ang hihingi sa kaniya, at ibibigay niya sa iyo ang tubig na buhay.”
John 5:4( naghihintay sa paggalaw ng tubig)