Zacarias 6:15
At darating ang mga nasa malayo at itatayo ang templo ni Yahweh, kaya malalaman ninyo na ipinadala ako sa inyo ni Yahweh ng mga hukbo, sapagkat mangyayari ito kung tunay kayong nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos!”'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 30:10Gagawin niya ito kung susundin ninyo ang salita ni Yahweh na inyong Diyos, para panatilihin ang kaniyang mga kautusan at mga batas na nasusulat sa aklat ng kautusan, kung babalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.
Isaiah 49:12Tingnan mo, ang mga ito ay nanggaling pa mula sa malayo, ang iba ay mula sa hilaga at kanluran; at ang iba ay mula sa lupain ng Syene.
Isaiah 57:19at nilikha ko ang bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan, sa mga malalayo at sa mga malalapit—sinasabi ni Yahweh—pagagalingin ko sila.
Isaiah 60:10Ang mga anak ng mga dayuhan ay muling magtatayo ng inyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa inyo; kahit sa aking matinding galit kayo ay pinarusahan ko, gayon pa man sa aking pabor kinahahabagan ko kayo.
Zechariah 2:8Sapagkat pagkatapos akong parangalan ni Yahweh ng mga hukbo at ipadala ako laban sa mga bansa na nanamsam sa inyo— sapagkat sinuman ang sumagi sa inyo ay sumagi sa natatangi sa paningin ni Yahweh! Pagkatapos itong gawin ni Yahweh, sinabi niya,
Zechariah 3:7“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Kung ikaw ay lalakad sa aking pamamaraan at kung pananatilihin mo ang aking mga kautusan, pamumunuan mo ang aking tahanan at babantayan mo ang aking mga hukuman, sapagkat pahihintulutan kita na pumunta at bumalik kasama nitong mga nakatayo sa aking harapan.