Zechariah 8:7
“Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Masdan ninyo, malapit ko ng iligtas ang aking mga tao mula sa lupaing sinisikatan ng araw at mula sa lupaing linulubugan ng araw!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 1:9pero kung kayo ay magbabalik sa akin at susunod sa aking mga kautusan at gagawin ang mga ito, kahit na ang iyong bayan ay nagkalat sa ilalim ng pinakamalayong kalangitan, titipunin ko sila mula doon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili para mapanatili ang aking pangalan.'
Psalms 107:2Hayaang magsalita ang mga tinubos ni Yahweh, ang kaniyang mga sinagip mula sa kapangyarihan ng kaaway.
Psalms 147:2Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
Isaiah 11:12Maglalagay siya ng bandila para sa mga bansa at titipunin ang mga taga-Israel at Juda na tinapon mula sa apat na sulok ng mundo.
Isaiah 43:5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
Isaiah 59:19Kaya sila ay matatakot sa pangalan ni Yahweh mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian mula sa pagsikat ng araw; dahil siya ay darating tulad ng isang batis na mabilis na umaagos, pinadadaloy sa pamamagitan ng paghinga ni Yahweh.