Zacarias 9:11
At kayo, dahil sa dugo ng aking tipan sa inyo, pinalaya ko ang inyong mga bilanggo mula sa hukay kung saan walang tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:31Pero para sa iyo, tumayo ka dito sa aking tabi, at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng mga utos, ang mga batas, at ang mga panuntunan na ituturo mo sa kanila, para kanilang sundin ang mga ito sa lupain na ibibigay ko sa kanila para ariin.'
2 Chronicles 7:17At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko tulad ng iyong amang si David, na sinusunod ang lahat ng iniutos ko sa iyo at sinusunod ang aking mga panuntunan at mga kautusan,
Psalms 40:2Inahon niyo din ako mula sa kakilakilabot na hukay, mula sa putikan, at itinayo niya ang aking mga paa sa isang bato at itinatag ang aking paglalakbay.
Psalms 102:19Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig,
Isaiah 42:7para buksan ang mga mata ng bulag, para palayain ang mga bilanggo mula sa piitan, at mula sa tahanan ng pagkakulong silang mga nakaupo sa kadiliman.
Isaiah 49:9Sasabihin mo sa mga bilanggo, 'Lumabas kayo;' sa mga nasa madidilim na kulungan, 'Ipakita ninyo ang inyong mga sarili.' Manginginain sila sa mga daanan, at magiging pastulan nila ang mga kalbong dalusdos.