Zefanias 1:4
“Iuunat ko ang aking kamay sa buong Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem. Papatayin ko ang bawat nalalabi ni Baal sa lugar na ito at ang mga pangalan ng mga taong sumasamba sa diyus-diyosan na kabilang sa mga pari,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:12Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at sila ay nilamon ng lupa.
2 Kings 23:4Inutusan ng hari ang punong pari na si Hilkias, ang mga pari sa ilalim niya, at ang mga bantay ng tarangkahan, na ilabas mula sa templo ni Yahweh lahat ng mga sisidlan na ginawa para kay Baal at Asera, at para sa lahat ng mga bituin ng langit. Sinunog niya ang mga iyon sa labas ng Jerusalem sa mga bukid sa Lambak ng Kidron at dinala ang kanilang abo sa Bethel.
2 Kings 23:12Winasak ng haring si Josias ang mga altar na nasa bubong ng kaitaasang silid ni Ahaz, na ginawa ng mga hari ng Juda, at ang mga altar na ginawa ni Manases sa dalawang patyo ng templo ni Yahweh. Winasak ni Josias ang mga ito sa maraming piraso at tinapon ang mga ito sa Lambak ng Kidron.
Isaiah 14:26Ito ang plano na nais ko para sa buong mundo, at ito ang kamay na nakataas sa lahat ng mga bansa.
Hosea 10:5Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.