Zefanias 1:7
Manahimik ka sa harap ng Panginoong Yahweh sapagkat paparating na ang araw ni Yahweh, sapagkat naghanda si Yahweh ng alay na itinalaga niya sa kaniyang mga panauhin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 16:5Sinabi niya, “Sa kapayapaan; naparito ako upang mag-alay kay Yahweh. Italaga ang iyong sarili kay Yahweh para sa alay at sumama kayo sa akin.” At itinalaga niya si Jesse at ang kanyang mga anak na lalaki kay Yahweh, at pagkatapos tinawag niya sila sa pag-aalay.
Job 40:4“Tingnan mo, ako ay walang halaga; paano kita sasagutin? Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig.
Psalms 76:8Ang iyong paghatol ay nagmula sa langit; ang mundo ay takot at tahimik.
Isaiah 2:12Dahil darating ang araw ni Yahweh ng mga hukbo laban sa bawat hambog at matatayog, at laban sa mapagmataas, at siya ay babagsak —
Isaiah 13:6Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.
Isaiah 34:5Sa oras na mabusog ang aking espada sa langit mula sa pag-inom; pagmasadan ninyo, bababa ito sa Edom, sa bayan na ibinukod ko para wasakin.