Zefanias 2:3
Hanapin ninyo si Yahweh, kayong mga mapagpakumbabang tao sa lupa na sumusunod sa kaniyang mga kautusan! Hanapin ninyo ang katuwiran! Hanapin ninyo ang kababaang-loob at marahil na iingatan kayo sa araw ng matinding poot ni Yahweh!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:15Dalawa sa lahat ng laman na may hininga ng buhay ay pumunta kay Noe at pumasok sa arka.
2 Samuel 12:22Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?'
Psalms 22:26Ang mga naaapi ay makakakain at mabubusog; sila na naghahanap kay Yahweh ay magpupuri sa kaniya. Nawa ang inyong mga puso ay mabuhay magpakailanman.
Psalms 31:20Sa kanlungan ng iyong presensya, ikinukubli mo sila mula sa mga balakin ng mga tao. Ikinukubli mo sila sa isang kanlungan mula sa marahas na mga dila.
Psalms 57:1Maging maawain ka sa akin, o Diyos, maging maawain ka, dahil kumukubli ako sa iyo hanggang matapos ang mga kaguluhan na ito. Nananatili ako sa ilalim ng iyong mga pakpak para sa pag-iingat hanggang matapos na ang pagwasak na ito.
Psalms 91:1Siya na nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.