Zefanias 3:10
Mula sa ibayo ng ilog ng Etopia, magdadala sa akin ng mga handog ang mga taong sumasamba sa akin at ang aking mga taong nagkawatak-watak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 72:8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
Isaiah 18:1Pighati sa lupain ng kumakaluskos na mga pakpak, na nasa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia;
Isaiah 27:12Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
Isaiah 60:4Pagmasdan ninyo ang buong paligid at tingnan. Tinipon nilang lahat ang kanilang mga sarili at lumalapit sa iyo. Ang inyong mga anak na lalaki ay darating mula sa malayo, at ang inyong mga anak na babae ay bubuhatin sa kanilang mga bisig.
Isaiah 66:19Maglalagay ako ng isang makapangyarihang tanda sa kanila. Pagkatapos ipapadala ko ang mga nakaligtas mula sa kanila sa mga bansa: Sa Tarsis, Put, at Lud, mga mamamana na gumagamit ng kanilang mga palaso, sa Tubal, Javan at sa mga malalayong baybayin kung saan sila ay hindi pa nakarinig ng tungkol sa akin ni nakakita ng aking kaluwalhatian. Ipapahayag nila ang aking kaluwalhatian sa mga bansa.
Malachi 1:11Sapagkat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa; sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan at maging ang dalisay na handog. Sapagkat magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.