The Bible Software
bible.software › Zefanias › Zefanias 3 › Zefanias 3:18

Zefanias 3:18

Tinipon ko mula sa iyo ang mga nagdadalamhati sa itinalagang kapistahan, naging pasanin sila at naging dahilan ng kahihiyan sa iyo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

I will gather them that are sorrowful for the solemn assembly, who are of thee, to whom the reproach of it was a burden.

In Context

17Nasa iyong kalagitnaan si Yahweh na iyong Diyos, isang makapangyarihang magliligtas sa iyo. Magdiriwang siya sa iyo nang may kagalakan at mananahimik siya dahil sa kaniyang pag-ibig sa iyo. Masisiyahan siya sa iyo at sisigaw nang may kagalakan.

19Pakinggan mo, sa panahong iyon, makikipagtuos ako sa mga lumapastangan sa iyo. Sasagipin ko ang lumpo at titipunin ko ang mga palaboy. Aalisin ko ang kanilang kahihiyan at bibigyan sila ng papuri at parangal sa buong lupa.

Read all of Zefanias 3

Cross References

Psalms 43:3O, ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan; hayaan mong pangunahan nila ako; hayaan mong dalhin ako sa banal mong burol at sa iyong tabernakulo.

Psalms 79:4Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin.

Psalms 137:3Doon ang aming mga manlulupig ay pinakanta kami, at silang mga nangutya sa amin ay inatasan kaming maging masaya, sinasabing, “Awitan niyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”

Jeremiah 31:8Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.

Lamentations 1:7Sa mga araw ng kaniyang pagdadalamhati at kawalan ng tahanan, aalalahanin ng Jerusalem ang lahat ng kaniyang mga mamahaling kayamanang mayroon siya sa nakaraang mga araw. Nang bumagsak ang kaniyang mga tao sa kamay ng kaniyang mga kaaway, wala ni isang tumulong sa kaniya. Nakita at pinagtawanan siya ng kaniyang mga kaaway sa kaniyang pagkawasak.

Ezekiel 34:13At ilalabas ko sila mula sa mga tao; Titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin sila sa inyong lupain. Ilalagay ko sila sa mga pastulan sa mga bahagi ng kabundukan ng Israel, sa tabi ng mga bukal, at sa bawat pamayanan sa lupain.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Zefanias 3:18

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Zefanias 3:17Zefanias 3Zefanias 3:19 →