Zefanias 3:5
Matuwid si Yahweh sa kaniyang kalagitnaan! Wala siyang ginagawang mali! Araw-araw niyang ibinibigay ang kaniyang katarungan! Hindi ito maitatago sa liwanag ngunit hindi nahihiya ang mga makasalanan!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 23:14Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay naglalakad sa gitna ninyo para bigyan kayo ng tagumpay at ibigay ang inyong mga kalaban sa inyo. Kaya dapat ninyong gawing banal ang kampo, nang sa ganun wala siyang makitang maruming bagay sa inyo at tumalikod mula sa inyo.
Job 8:3Maaari bang baluktututin ng Makapangyarihang Diyos ang katuwiran?
Job 34:17Kaya bang mamahala ng taong namumuhi sa katarungan? Hahatulan mo ba ang Diyos na siyang matuwid at makapangyarihan?
Psalms 99:3Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan; siya ay banal.
Ecclesiastes 3:16At nakita ko sa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan.
Isaiah 28:19Tuwing dumadaan ito, aanurin kayo nito, at tuwing umaga dadaan ito at sa araw at sa gabi ay darating ito. Kapag naunawaan ang mensahe, ito ay magdudulot ng matinding takot.