Zefanias 3:6
“Nilipol ko ang mga bansa, nawasak ang kanilang mga kuta. Winasak ko ang kanilang mga lansangan upang walang sinuman ang makadaan sa mga ito. Nawasak ang kanilang mga lungsod upang walang tao ang manirahan sa mga ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 23:4Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran.
Isaiah 15:1Pahayag tungkol sa Moab. Tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Ar ng Moab; tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Kir ng Moab.
Isaiah 37:11Masdan ninyo, narinig ninyo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng lupain na ganap nang winasak. Kaya maililigtas ba kayo?
Isaiah 37:36Pagkatapos ay dumating ang angel ni Yahweh at lumusob sa kampo ng Asiria, pinatay ang 185, 000 na sundalo. Nang maagang gumising ang mga kawal, nagkalat ang patay kahit saan.
Jeremiah 25:18Jerusalem, ang mga lungsod ng Juda at ang kaniyang mga hari at mga opisyal—na gawin silang pagkawasak at isang bagay na nakakatakot, at isang paksa para sa panunutsut at pagsusumpa, nanatili silang gayon hanggang ngayon.
Zephaniah 2:5Kaawa-awa ang mga naninirahan sa tabing-dagat, ang bansa ng mga Queretita! Nagsalita si Yahweh laban sa inyo, Canaan, ang lupain ng mga Filisteo! Lilipulin ko kayo hanggang sa walang matira sa mga naninirahan!