1 Mga Cronica 10:14
Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 9:14Kaya kinuha ng mga Israelita ang ilan sa kanilang mga pagkain, pero hindi sila sumangguni kay Yahweh para sa patnubay.
1 Samuel 13:14Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Samuel 28:6Nanalangin si Saul kay Yahweh para tulungan siya, ngunit hindi sumagot sa kanya si Yahweh—maging sa panaginip, ni sa pamamagitan ng Urim, ni sa pamamagitan ng mga propeta.
2 Samuel 3:9Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya,
1 Chronicles 2:12Si Boaz ang ama ni Obed, at si Obed ang ama ni Jesse.