1 Samuel 13:14
Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
1 Samuel 15:28Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa iyo ngayon at ibinigay ito sa isang kapwa mo, isa na mas mabuti kaysa sa iyo.
1 Samuel 16:12Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, “Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon.”
2 Samuel 6:21Sumagot si David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh, na pinili niya ako na mas mataas sa iyong ama at mataas sa lahat ng kaniyang pamilya, na itinalaga ako maging pinuno ng buong tao ni Yahweh, sa buong Israel. Sa harapan ni Yahweh magagalak ako!
2 Kings 20:5“Bumalik ka, at sabihin kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na inyong ninuno: “Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Pagagalingin na kita sa ikatlong araw, at aakyat ka sa tahanan ni Yahweh.