1 Mga Cronica 10:4
Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. “Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako”. Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 15:18Uhaw na uhaw si Samson at tumawag kay Yahweh at sinabing, “Ibinigay mo itong dakilang tagumpay sa iyong lingkod, pero ngayon mamamatay ako sa pagka-uhaw at babagsak sa mga kamay ng mga hindi tuli?”
Judges 16:23Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala.
1 Samuel 17:26Sinabi ni David sa mga kalalakihang nakatayo sa tabi niya, “Ano ang gagawin sa taong makakapatay sa Filisteong ito at mag-aalis ng kahihiyan mula sa Israel? Sino ang hindi tuling Filisteo ito na humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos?”
1 Samuel 31:4Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
2 Samuel 1:14Sinabi ni David sa kaniya, “Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?”
2 Samuel 17:23Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama.