1 Mga Cronica 17:9
Ako ay magtatakda ng isang lugar para sa bayan kong Israelita at patitirahin ko sila doon, nang sa gayon manirahan sila sa sarili nilang lugar at hindi na sila magagampala. Hindi na sila aapihin ng mga masasamang tao, tulad ng ginawa nila noon,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:13Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
Psalms 44:2Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
Psalms 92:13Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; sila ay yayabong sa patyo ng ating Diyos.
Isaiah 60:18Ang karahasan ay hindi na kailanman maririnig sa inyong lupain, o ang pagkawasak, ni paninira sa loob ng inyong mga nasasakupan; pero tatawagin ninyong Kaligtasan ang inyong mga pader, at Papuri ang inyong mga tarangkahan.
Jeremiah 24:6Ibabaling ko ang aking mga mata sa kanila para sa kabutihan at muli silang ibabalik sa lupaing ito. Itatayo ko sila at hindi ibabagsak. Itatanim ko sila, at hindi bubunutin.
Jeremiah 32:41At magagalak ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Matapat ko silang patitirahin sa lupaing ito nang buong puso at buong buhay ko.