1 Mga Cronica 19:3
Ngunit sinabi ng mga pinuno ng mga Ammonita kay Hanun, “Iniisip mo ba talaga na pinararangalan ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga kalalakihan upang aliwin ka? Hindi kaya naparito ang kaniyang mga lingkod sa iyo upang manmanan at suriin ang lupain upang pabagsakin ito?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Judges 18:2Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
1 Samuel 29:4Ngunit galit sa kanya ang mga prinsipe ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanya, “Paalisin mo ang taong iyan, para bumalik siya sa kanyang lugar na ibinigay mo sa kanya; huwag mo siyang hayaang sumama sa atin sa digmaan, upang hindi siya maging kaaway natin sa digmaan. Dahil paano pa ba gagawa ng kapayapaan ang taong ito sa kanyang panginoon? Hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng ating mga tauhan?
1 Kings 12:8Subalit binalewala ni Rehoboam ang ibinigay na payo ng mga matatandang lalaki sa kaniya, at sumangguni sa mga kabataan na lumaking kasama niya, na tumayo sa harapan niya.