1 Chronicles 19:7
Nakaupa sila ng 32, 000 na karwahe sa hari ng Maacah at ang kaniyang mga tauhan na pumunta at nagkampo sa tapat ng Medeba. Nagsama-sama ang mga Ammonita mula sa kanilang mga lungsod at pumunta sa digmaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang kaniyang buong hukbo upang salubungin sila.
Cross References
Numbers 21:30Ngunit nasakop namin si Sihon. Nawasak ang Hesbon hanggang sa Dibon. Tinalo namin sila hanggang sa dulo ng Nofa, na umaabot sa Medeba.”
Joshua 13:16Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
1 Samuel 13:5Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven.
1 Chronicles 18:4Nabihag ni David mula sa kaniya ang isanlibong karwahe, pitong libong mangangabayo, at dalawampung libong kawal na naglalakad. Pinilayan ni David ang mga kabayo ng mga karwahe, ngunit nagtira siya ng sapat sa kanila para sa isandaang karwahe.
Psalms 20:7Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos.