Joshua 13:16
Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
Cross References
Numbers 21:26Ang Hesbon ay ang lungsod ni haring Sihon ng mga Amoreo, na siyang nakipaglaban sa dating hari ng Moab. Kinuha ni Sihon ang lahat ng kaniyang lupain mula sa kaniyang sinasakupan hanggang sa Ilog Arnon.
Numbers 32:33Kaya ang mga kaapu-apuhan nina Gad at Ruben at pati na rin ang kalahati sa tribu ni Manases na anak na lalaki ni Jose, ibinigay ni Moises ang kaharian ni Sihon, na hari ng mga Amoreo, at Og, na hari ng Bashan. Ibinigay sa kanila ang lupain, at ibinahagi sa kanila ang lahat ng mga lungsod nito kasama ang mga hangganan, ang mga lungsod ng lupaing nakapaligid sa mga ito.
Joshua 12:2Si Sihon ay hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon. Namuno siya mula sa Aroer, kung saan nasa gilid ng bangin ng Arnon mula sa gitna ng lambak, at kalahati ng Galaad pababa sa Ilog Jabbok sa hangganan ng mga Ammonita.
Joshua 14:3Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
Judges 11:26Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
Isaiah 15:4Tumawag ng tulong ang Hesbon at Eleale; narinig ang kanilang tunog sa kasing layo ng Jahaz. kaya tumawag ng tulong ang mga armadong kalalakihan ng Moab; nanginginig sila.