1 Chronicles 2:55
ang mga angkan ng mga eskriba na nakatira sa Jabes: ang mga Tiratita, mga Simatita, at mga Sucatita. Ito ang mga Kenita na nagmula kay Hamat, na ninuno ng mga Recab.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 4:11Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes.
2 Kings 10:15Nang umalis doon si Jehu, nakasalubong niya si Jonadab anak na lalaki ni Rechab na dumarating para makipagkita sa kaniya. Binati siya ni Jehu at sinabi sa kaniya, “Buong puso ka bang makikiisa sa akin, gaya ng pagiging matapat ko sa iyo? Sumagot si Jonadab, “Oo” Sabi ni Jehu, kung ganoon nga, iabot mo sa akin ang iyong kamay”. At iniabot ni Jonadab ang kaniyang kamay, kaya pinasakay siya ni Jehu sa kaniyang karwahe.
Ezra 7:6Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
Jeremiah 35:2“Pumunta ka sa angkan ng mga Recabita at magsalita ka sa kanila. At dalhin mo sila sa aking tahanan, sa isa sa mga silid doon at bigyan mo sila ng alak na maiinom.”