Ezra 7:6
Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Abisua, Finehas, Eleazar, at si Aaron na pinakapunong pari -
Cross References
Genesis 32:28Sinabi ng tao, “Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob, sa halip, Israel na. Sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa tao at nanaig ka.”
Deuteronomy 28:1Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.
Ezra 6:22Buong kagalakan nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang pitong araw, dahil binigyan sila ni Yahweh ng kagalakan at binago ang puso ng hari ng Asiria upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain ng kaniyang tahanan, ang tahanan ng Diyos ng Israel.
Ezra 7:11Ito ay ang utos na ibinigay ni Haring Artaxerxes kay Ezra na pari at eskriba ng mga kautusan at mga alituntunin ni Yahweh para sa Israel:
Ezra 7:28at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko.”
Ezra 8:18Kaya nagpadala sila sa amin sa pamamagitan ng mabuting kamay ng ating Diyos ng isang lalaking nagngangalang Serebias, isang matalinong tao. Siya ay kaapu-apuhan ni Mali na anak ni Levi na anak ni Israel. Dumating siya kasama ang kaniyang labing walong mga anak na lalaki at mga kapatid na lalaki.