1 Chronicles 21:1
Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And Satan stood up against Israel, and provoked David to number Israel.
In Context
Cross References
Exodus 30:12“Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila.
2 Samuel 24:24Sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak.
1 Chronicles 7:40Sila ang mga kaapu-apuhan ni Aser, mga pinuno ng kanilang mga pamilya, mga kilalang tao, mga mandirigma at mga pangunahin sa mga pinuno. Ayon sa nakasulat sa talaan, mayroong 26, 000 na mga lalaki ang nababagay na maglingkod sa militar.
Job 2:1Muling dumating ang araw para humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, pumunta rin si Satanas para iharap ang kaniyang sarili kay Yahweh.
Zechariah 3:1Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh si Josue na punong pari na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh at nakatayo sa kaniyang kanang kamay si Satanas upang paratangan siya ng kasalanan.
Luke 11:53Pagkatapos umalis ni Jesus doon, ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay tutol sa kaniya at nakipagtalo sa kaniya tungkol sa maraming bagay,