1 Chronicles 21:2
Sinabi ni David kay Joab at sa mga pinuno ng hukbo, “Pumunta kayo, bilangin ninyo ang mga tao ng Israel mula Beer-seba hanggang Dan at bumalik kayo at ibalita ninyo sa akin, upang malaman ko ang bilang nila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel.
Cross References
Judges 20:1Pagkatapos lumabas ang lahat ng mga tao ng Israel bilang iisang tao, mula Dan hanggang Beer-seba, kasama rin ang lupain ng Galaad, at nagtipon sila ng magkakasama sa harapan ni Yahweh sa Mizpa.
2 Samuel 3:10na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba.”
2 Samuel 24:2Sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo na kasama niya, “Puntahan ang lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba at bilangin ang lahat ng mga tao, para malaman ko ang buong bilang ng mga kalalakihang akma para sa digmaan.”
1 Kings 4:25Ang Juda at Israel ay namuhay sa kaligtasan, bawat lalaki nasa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang punong igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa buong buhay ni Solomon.
2 Chronicles 30:5Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
Proverbs 29:23Ang pagmamataas ng isang tao ay ang magdadala sa kaniya pababa, pero ang siyang may mapagpakumbabang kalooban ay bibigyan nang karangalan.