1 Chronicles 21:24
Sinabi ni Haring David kay Ornan, “Hindi, iginigiit kong babayaran ko ang kabuuang halaga. Hindi ko kukunin ang sa iyo at ihahandog ito bilang handog na susunugin para kay Yahweh, ng walang halaga.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Kaya nagbayad si David ng animnaraang siklong ginto para sa lugar.
Cross References
Genesis 23:9Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.”
Deuteronomy 16:16Tatlong beses sa isang taon, ang lahat ng inyong kalalakihan ay dapat magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Lebadura, sa Pista ng mga Linggo, at sa Pista ng mga Kanlungan; at hindi sila makikita sa harapan ni Yahweh na walang dala;
Romans 12:17Huwag gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Gumawa ng mga mabubuting bagay sa paningin ng lahat ng tao.