1 Chronicles 21:23
Sinabi ni Ornan kay David, “Kunin mo ito na parang pagmamay-ari mo aking panginoon na hari. Gawin mo dito kung ano ang mabuti sa iyong paningin. Narito, bibigyan kita ng mga baka para sa mga alay na susunugin, mga kahoy na kasangkapan sa panggiik para panggatong at trigo para sa handog na butil; Ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 6:14Dumating ang kariton sa bukirin ni Josue mula sa Beth-semes at huminto roon. Naroon ang isang malaking bato, at biniyak nila ang kahoy mula sa kariton, at hinandog ang mga baka bilang isang handog na susunugin kay Yahweh.
1 Kings 19:21Kaya bumalik si Eliseo mula kay Elias at inalis ang ang pamatok ng mga baka, pinatay ang mga hayop, niluto ang karne sa pamamagitan ng kahoy mula sa pamatok ng baka at pagkatapos binigay niya ito sa mga tao at kanilang kinain. Pagkatapos tumayo siya, at sumunod kay Elias, at naglingkod siya sa kaniya.
Jeremiah 32:8At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.