1 Chronicles 23:13
Ang mga anak ni Amram: sina Aaron at Moises. Napili si Aaron at ang kaniyang kaapu-apuhan sa isang permanenteng batayan upang ihandog ang mga bagay na ganap na pag-aari ni Yahweh, upang maghandog ng insenso kay Yahweh, upang maglingkod sa kaniya, at upang magbigay ng mga pagpapala sa kaniyang pangalan magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Ang apat na anak na lalaki ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
14Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita.
Cross References
Exodus 28:1Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Exodus 29:33Dapat nilang kainin ang laman at tinapay na binigay para pambayad ng kasalanan nila at sa pagtatalaga sa kanila, para ilaan sa akin. Walang ibang kakain ng pagkain, dahil dapat nila itong ituring na banal at ilaan para sa akin.
Exodus 30:6Dapat ninyong ilagay ang altar ng insenso bago sa kurtina na nasa kaban ng mga kautusang tipan. Ito ay bago sa takip ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng mga kautusang tipan, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo.
Exodus 40:9Dapat mong kunin ang pangpahid na langis at pahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay na naroon. Dapat mong ilaan ito at ang lahat ng mga kagamitan para sa akin; pagkatapos ito ay magiging banal.
Leviticus 10:1Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
Leviticus 10:17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?