Exodus 40:9
Dapat mong kunin ang pangpahid na langis at pahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay na naroon. Dapat mong ilaan ito at ang lahat ng mga kagamitan para sa akin; pagkatapos ito ay magiging banal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Dapat mong ayusin ang patyo sa palibot nito, at dapat mong ibitin ang kurtina sa pasukan ng patyo.
Cross References
Exodus 37:29Ginawa niya ang banal na pangpahid na langis at ang purong pabango ng insenso, ang trabaho ng tagapagpabango.
Leviticus 8:10Kinuha ni Moises ang pampahid na langis, pinahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay sa loob nito, at inihandog ang mga ito kay Yahweh.
Psalms 45:7Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
John 3:34Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
2 Corinthians 1:22Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.