1 Mga Cronica 23:5
Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento “na ginawa ko para sa pagsamba” sabi ni David.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.
Cross References
1 Chronicles 6:31Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan.
1 Chronicles 9:17Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno.
1 Chronicles 15:16Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
1 Chronicles 16:38Kasama din si Obed- edom at ang animnapu't walong kamag-anak nito. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun, kasama si Hosa ang magiging mga tagapagbantay ng tarangkahan.
1 Chronicles 23:30Tumatayo rin sila tuwing umaga upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh. Ginagawa rin nila ito sa gabi
1 Chronicles 26:1Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan: Mula sa angkan ni Korah, si Meselemias na anak ni Korah, kaapu-apuhan ni Asaf.