1 Mga Cronica 24:19
Ito ang pagkakasunud-sunod ng kanilang paglilingkod nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh, na sinusunod ang alituntuning ibinigay sa kanila ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18ang ikadalawampu't tatlo ay si Delaias, at ang ikadalawampu't apat ay si Maasias.
Cross References
1 Chronicles 6:34Si Samuel ay anak ni Elkana na anak ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah.
1 Chronicles 24:1Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2 Chronicles 23:8Kaya naglingkod ang mga Levita at lahat ng Juda sa bawat kaparaanang iniutos ng pari na si Joiada. Isinama ng bawat isa ang kanilang mga tauhan, sila na papasok upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga, at sila na aalis sa paglilingkod sa Araw ng Pamamahinga; sapagkat hindi pinauwi ni Joiada ang kanilang mga pangkat.
Hebrews 7:11Ngayon kung ang pagiging ganap ay maaari nang makamtan sa pamamagitan ng pagiging pari ng mga Levita (sapagkat sa ilalim nito ang mga tao ay tumanggap ng kautusan), ano pa ang kailangan para sa isang pari na lumitaw ayon sa pagkapari ni Melquisedec, at hindi mapangalanan ayon sa pagkapari ni Aaron?