1 Mga Cronica 24:6
Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na eskriba, na isang Levita, ang kanilang mga pangalan sa harapan ng hari, ng mga opisyal, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pari at mga Levitang pamilya. Isang angkan ang napili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar, at ang susunod ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
7Ang unang napili sa pamamagitan ng sapalaran ay si Jehoiarib, ang pangalawa ay si Jedaias,
Cross References
1 Kings 4:3Sina Elihoref at Ahias, mga anak ni Sisa, ay mga kalihim. Si Jehoshafat, anak ni Ahilud, ay ang tagapagtala.
1 Chronicles 23:24Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi ayon sa kanilang mga angkan. Sila ang mga pinuno na binilang at nilista sa pamamagitan ng pangalan, ng mga angkan na gumawa ng gawain ng paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, mula sa dalampung taong gulang pataas.
Ezra 7:6Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
Matthew 8:19At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, “Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta.”
Matthew 23:1Pagkatapos nito, nagsalita si Jesus sa maraming tao at sa kaniyang mga alagad.