1 Chronicles 28:8
Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:13Bigyang-pansin ang lahat ng bagay na aking sinabi sa iyo. Huwag mong banggitin ang mga pangalan ng ibang mga diyos, o ni hayaang marinig ang kanilang mga pangalan mula sa iyong bibig.
Deuteronomy 4:6Kaya panatilihin at gawin ang mga ito; dahil ito ay inyong karunungan at inyong kaunawaan sa paningin ng mga tao na makakarinig ng tungkol sa lahat ng mga kautusang ito at sabihin, 'Siguradong itong napakalaking bansa ay isang matalino at may kaunawaang mga tao.'
Deuteronomy 5:32Kaya, susundin ninyo, kung ano ang iniutos ni Yahweh na inyong Diyos; huwag kayong liliko sa kanang kamay o sa kaliwa.
Deuteronomy 27:1Inutusan ni Moises at ng mga nakatatanda ng Israel ang mga tao at sinabi, “Sundin ang lahat ng mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon.
Deuteronomy 29:15—kasama ng lahat ng nakatayo ngayon na narito kasama natin sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, pero pati narin sa mga kasama natin na wala rito ngayon.
Ezra 9:12Kaya ngayon, huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak; at huwag ninyong kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak, at huwag ninyong asamin ang kanilang kasalukayang kapayapaan at mabuting kalalagayan, upang manatili kayong malakas at makakain ang bunga ng lupain, upang dulutan ninyo ang inyong mga anak na magmay-ari nito sa lahat ng panahon.”