Exodus 23:13
Bigyang-pansin ang lahat ng bagay na aking sinabi sa iyo. Huwag mong banggitin ang mga pangalan ng ibang mga diyos, o ni hayaang marinig ang kanilang mga pangalan mula sa iyong bibig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Dapat kang maglakbay para magdaos ng isang pista para sa akin tatlong beses sa bawat taon.
Cross References
Deuteronomy 4:9Bigyang pansin lamang at bantayang maigi ang inyong sarili, nang sa gayon ay hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ng inyong mga mata, nang sa gayon hindi mawala sa inyong puso ang mga ito sa bawat araw ng inyong buhay. Sa halip, ipaalam ang mga ito sa inyong mga anak at sa kanilang magiging mga anak—
Deuteronomy 6:1Ngayon ito ang mga utos, mga batas, at mga panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na inyong Diyos para ituro sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong pupuntahan sa Jordan para angkinin;
Joshua 22:5Lubos na maging maingat lamang na sundin ang mga kautusan at batas na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh, na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, na lumakad sa lahat ng kaniyang mga pamamaraan, na panatilihin ang mga kautusan, at kumapit sa kaniya at sambahin siya ng buong puso ninyo at ng buo kaluluwa ninyo.”
Joshua 23:11Bigyan ng kaukulang pansin, para mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos.
1 Chronicles 28:8Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo.
Psalms 39:1Napagpasyahan ko, “Iingatan ko kung ano ang aking sasabihin para hindi magkasala dahil sa aking dila. Bubusalan ko ang aking bibig habang nasa harapan ng masamang tao.”