1 Mga Cronica 29:18
Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:6Dagdag pa niya, “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Pagkatapos tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha, dahil takot siyang tumingin sa Diyos.
Exodus 4:5“Ito ay para maniwala sila na si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob, ang nagpakita sa iyo.”
Deuteronomy 30:6Tutuliin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong puso at ang puso ng inyong mga kaapu-apuhan para mamahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa, para kayo ay mabuhay.
2 Chronicles 30:6Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Psalms 51:10Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso, Diyos, at ipanumbalik sa akin ang isang matuwid na espiritu.
Psalms 119:166Naghihintay ako para sa iyong kaligtasan, Yahweh, at sinusunod ko ang iyong mga kautusan.