Exodus 3:6
Dagdag pa niya, “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Pagkatapos tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha, dahil takot siyang tumingin sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:1Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Genesis 17:3Nagpatirapa si Abram na nakasayad ang mukha sa lupa at nangusap ang Diyos sa kanya, sinabing,
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Genesis 28:17Natakot siya at nagsabi, “Nakakikilabot naman ang lugar na ito! Ito ay walang iba kundi ang tahanan ng Diyos. Ito ang tarangkahan ng langit.”
Genesis 32:9Sinabi ni Jacob, “Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,'
Exodus 3:15Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'