1 Chronicles 5:2
Pinakamalakas sa kaniyang mga kapatid si Juda, at ang pinuno ay manggagaling sa kaniya. Ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay kay Jose—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Pallu, Hezron, at si Carmi.
Cross References
Genesis 49:8Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid na lalaki. Ang iyong kamay ay nasa leeg ng iyong mga kaaway. Yuyuko sa iyo ang mga anak na lalaki ng iyong ama.
Numbers 2:3Dapat magkampo ang mga lalaking nabibilang sa kampo ni Juda kasama ang kanilang armadong grupo sa palibot ng bandila ni Juda, sa silangan ng tolda ng pagpupulong, kung saan sumisikat ang araw. Si Naason na anak ni Amminadab ang dapat mamuno sa hukbo ni Juda.
Deuteronomy 21:17Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
Joshua 14:6Pagkatapos nagpunta ang lipi ni Juda kay Josue sa Gilgal. Sinabi ni Caleb na anak ni Jepunne na Canezeo, sinabi sa kaniya, “Alam mo kung ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na lingkod ng Diyos tungkol sa iyo at sa akin sa Kades Barnea.
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Samuel 16:12Nagpadala si Jesse at ipinasundo siya. Ngayon ang binatilyong ito ay malusog at may magandang mga mata at makisig na anyo. Sinabi ni Yahweh, “Tumayo ka, buhusan mo siya ng langis; sapagka't siya na iyon.”