1 Mga Cronica 9:1
Kaya, naitala ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga angkan. Naitala sila sa Aklat ng mga Hari ng Israel. Sa mga taga-Juda, dinala silang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 24:14Dinala niyang bihag ang lahat ng Jerusalem, mga pinuno at mga mandirigma, sampung libong mga bihag, at lahat ng mga mahuhusay na manggagawa at mga panday. Walang naiwan kung hindi ang mga pinakamahihirap na mga tao sa lupain.
2 Kings 24:16Lahat ng mga kawal, pitong libo ang bilang, at isang libong mahuhusay na mangagawa at mga panday, lahat sa kanila may kakayahang lumaban - itinapon ng hari ng Babilonia ang mga lalaking ito sa Babilonia.
2 Chronicles 33:11Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
2 Chronicles 36:18Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
Ezra 2:59Ang mga lumisan mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Addon, at Imer —ngunit hindi napatunayan ang kanilang kanunu-nunuan mula sa Israel —kabilang ang
Nehemiah 7:5Inilagay ng aking Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, ang mga opisyales, at ang mga tao na itala ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga pamilya. Natagpuan ko ang Talaan ng Lahi ng unang pangkat ng mga bumalik at aking natagpuan ang mga sumusunod na nakasulat dito.